Isa sa mga nasubukan ko sa kauna-unahang pagkakataon sa aking pagpunta sa Baler, Aurora ay ang pagligo sa ilog. Kasaganaan nuon ng aming Basic Masses Integration nang pinayagan kaming maligo sa ilog.
Dahil hindi namin alam na pwede palang maligo at may ilog pala dun sa puputahan namin, wala kaming dalang mga damit.
Nuong una, nagdadalawang isip pa kami kung kami ba ay maliligo. At siyempre, bilang pagiging ako, gumawa na naman ng desisyon sa pamamagita ng paghagis ng piso sa hangin. At sabi ng piso, kami ay maliligo daw kaya nauna ang aking mga kasama sa pagbasa sa kanilang mga sarili samantalang ako ay komportableng nakahiga sa isang bato.
At dahil ako daw ang nagpasimuno na maligo at hindi pa ako naliligo, bigla akong binasa ni Montie (read it like her voice! haha) kaya napilitan na rin akong basain ang aking sarili at tuluyan ng naligo sa ilog.
Napakalakas ng alon kaya't ako'y laging natatangay. Nakakatakot pero masaya.
Ang sarap ng tubig. Sobrang ginaw. Sobrang saya pa ng mga kasama! :)
Nag-iisip kung maliligo o hindi. Tingnan ang mukha ni Baldo, talagang malandi! hahaha
Si Ecka ay inaagos ng alon samantalang kami ay pilit nilalabanan ang alon.
At dahil gusto kong matulog, pi-nark ko ang salbabida sa gilid at dun natulog! haha Ang sarap matulog kung ikaw ay nakalubog sa tubig. Nagiging musika mo ang agos at nagiging komportable ka sa lamig :)
Dahil hindi namin alam na pwede palang maligo at may ilog pala dun sa puputahan namin, wala kaming dalang mga damit.
Nuong una, nagdadalawang isip pa kami kung kami ba ay maliligo. At siyempre, bilang pagiging ako, gumawa na naman ng desisyon sa pamamagita ng paghagis ng piso sa hangin. At sabi ng piso, kami ay maliligo daw kaya nauna ang aking mga kasama sa pagbasa sa kanilang mga sarili samantalang ako ay komportableng nakahiga sa isang bato.
At dahil ako daw ang nagpasimuno na maligo at hindi pa ako naliligo, bigla akong binasa ni Montie (read it like her voice! haha) kaya napilitan na rin akong basain ang aking sarili at tuluyan ng naligo sa ilog.
Napakalakas ng alon kaya't ako'y laging natatangay. Nakakatakot pero masaya.
Ang sarap ng tubig. Sobrang ginaw. Sobrang saya pa ng mga kasama! :)
Si Ecka ay inaagos ng alon samantalang kami ay pilit nilalabanan ang alon.
No comments:
Post a Comment